Nakadepende umano sa performance ni Vice President Leni Robredo bilang drug czar kung magbabago ang satisfaction ratings na nakukuha ng administrasyon sa anti-drug war.
Magugunitang batay sa mga nagdaang surveys, mataas na satisfaction at approval ratings ang nakukuha ng Duterte administration sa paglaban ng iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa nila masasabi sa ngayon kung tataas o bababa ang ratings sa pag-upo ni VP Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Sec. Panelo, ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay VP Robredo ay patunay na may tiwala ang pangulo sa kakayahan ng bise presidente.
Samantala, inihayag ni Sec. Panelo na pahapyaw lang daw ang pagbanggit ni Pangulong Duterte na mabuti naman at tinanggap ni VP Robredo ang posisyong inialok.