ILOILO CITY – Inilunsad ng Department of Agriculture ang Stranded Survival Rehabilitation Assistance Program para sa mga magsasaka na apektado ng mababang presyo ng palay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Remelyn Recoter, regional executive director ng Department of Agriculture Western Visayas, sinabi nito na aabot sa P1.5 billion ang pondong ibibigay ng ahensya.
Ayon kay Recoter, aabot sa 100,000 na magsasaka sa bansa ang maaaring mabigyan ng cash assistance.
Maliban dito, magbibigay rin ng palay ang Philippine Rice and Research Institute sa mga magsasaka sa Western Visayas.
Umaasa naman si Recoter na sa pamamagitan ng Solar Powered Irrigation System na ipinatayo sa bayan ng Dingle at Pototan, Iloilo mabigyan ng solusyon ang daing ng mga magsasaka sa tuwing may El NiƱo.
Inaasahan na ngayong taon, matatapos na ang nasabing proyekto.