Inilabas ng isang survivor ng MV Lite Ferry 16 ang kanyang hininanakit sa pamunuan ng Philippine Coast Guard matapos ang mabagal na pagresponde ng mga nito sa nangyaring sunog sa naturang passenger vessel.
Sa panayam ng Star FM Dipolog kay Mrs. Juliet Bayawa ng Zamboanga City, isa sa mga survivor sinabi nitong walang dumating na rescue boat mula sa coast guard hanggang mag-umaga.
Mabuti na lang daw at may mga pampasaherong barko na rumesponde sa kanila.
Sa kwento pa ng ginang,nagising nalang daw sila matapos tumunog ang serena ng barko at nagulat dahil nagkakagulo na ang mga tao at kanya – kanya ng nagsuot ng life jacket.
Pinairal na lamang dawn ng ginang ang kanyang presence of mind at hindi nagpanic at nanalangin na lang para sa kanilang kaligtasan.
Sa ngayon ay nag-aantay na lamang daw sila sa ipinangakong paunang tulong ng pamunuan ng MV Lite Ferry 16.