-- Advertisements --
Napili bilang representative ng Israel sa Eurovision si Yuval Raphael.
Si Raphael ay isa sa mga survivor ng Nova music festival ng atakihin ito ng Hamas militant noong Oktubre 2023.
Sa nasabing insidente ay marami ang nasawi habang ang iba ay ginawang bihag ng mga Hamas.
Kuwento ni Raphael na kasama niya ang mga kaibigan at sila ay nagtago sa ilalim ng mga bangkay sa loob ng walong oras.
Nakuha ng 24-anyos na magrepresent ng Eurovision matapos na manalo sa Rising Star singing contest sa Israeli TV.
Kinanta nito ang “Dancing Queen” ng ABBA kung saan inialay niya ang kanta sa mga biktima ng pag-atake ng Hamas.
Gaganapin sa buwan ng Mayo ang Eurovision sa Switzerland.