CENTRAL MINDANAO-Hawak na at nasa kostudiya ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Mlang Cotabato ang dalagitang nakaligtas at pinsan ng magkapatid na pinatay.
Tinuturing ngayon na person of interest at material witness si alyas Christine.
Paiba-iba umano ang pahayag ng dalagita at hindi magkatugma.
Noong pinatay ang mga biktima na sina Crizzle Gwynn Maguad, 18 anyos at kapatid nya na si Crizzule Luois Maguad,16 anyos ay nakatakbo umano at nagtago sa kwarto si Christine kaya nakaligtas.
Nakapagpost pa sa facebook ang dalagita na humihingi ng tulong dahil ayaw pa nitong mamatay.
Nang magresponde ang mga pulis at BPAT ay nakatakas na ang mga salarin.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay hindi na umano makita ang cellphone ng survivor at balisa.
Maaaring na-trauma ang dalagita at paiba-iba ng testimonya dahil sa nasaksihan nyang kremin.
Dagdag ng mga kapitbahay na nagawa pa umanong maligo ng dalagita kahit may mga bangkay nang nakahandusay sa loob ng bahay at hindi man lang tumawag ng saklolo.
Marami rin ang naniniwala na kung motibo ng mga suspek na magnakaw ay hindi brutal ang pagpaslang sa mga biktima o hindi papatayin.
Ang mga suspek ay may matinding galit sa magkapatid dahil nagtamo ito ng mahigit na 20 na sugat sa pananaksak minartilyo pa ang kanilang ulo at pinalo ng baseball bat.
Kinomperma rin ni Cotabato Police Defuty Provincial Director at Special Investigation Task Group Maguad Spokesman Lieutenant Colonel Bernand Tayong na may mga suspek na sila at person of interest sa pagpaslang sa magkapatid kung saan 90% solved case na.