-- Advertisements --
PNP chief gamboa sling crash

Tiniyak ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na mabuti na ang kaniyang kalagayan at sa katunayan nasa White House na siya sa Kampo Crame na siyang official residence ng PNP chief.

Sa mensahe na ipinadala ni Gamboa sa Bombo Radyo sinabi nito mabuti na ang kaniyang kalagayan.

“Iam very fine and here in Camp Crame. Gud PM Anne,” ani Gamboa sa Bombo Radyo.

Ngayong araw, balik na sa full-duty status si PNP chief.

Ito’y matapos magpagaling ng apat na araw dahil sa tinamong sugat at gasgas sa pagbagsak ng helicopter na sinasakyan niya at pitong iba pang opisyal ng PNP sa Laguna noong Huwebes.

Pinangunahan ni Gamboa nitong umaga ang flag raising ceremony sa Kampo Crame.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, ngayong araw, full-duty na muli ang status ni Gamboa.

Pansamantala kasing pumalit sa kanya si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan na officer-in-charge nitong nakalipas na weekend.

Noong Byernes, nakalabas na ng St. Lukes Hospital si Gamboa kasama ang aide-de-camp nito na si Capt. Keventh Gayramara matapos sertipikahan ng doctor na “fit to work” na ito.