BUTUAN CITY – Mahigpit na mino-monitor ng Adela Serra Ty Memorial Medical Center ang isang 37-anyos na lalaki dahil sa kanyang loose bowel movement (LBM) na hikain pa at may history ng PTB.
Sa situational report #46 na ipinalabas ng ospital, nakasaad na inilagay na ang pasyente sa isolation ward at nakunan na ng rapid anti-body test ngunit nagnegatibo na.
Kinunan na rin siya ng swab sample para sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test habang patuloy na binibigyan ng intensive medical at nursing care.
Inantay na lamang nila ngayon ang confirmatory result ng naturang pasyente na pinoproseso pa ng sub-national laboratory ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Southern Philippines Medical Center na nakabase sa Davao City.
Kaugnay nito’y nananawagan ang nasabing ospital sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa lahat ng precautionary measures ng Department of Health (DOH) kasama na ang lahat ng provincial ordinances at mga advisories mula sa mga local government units.