-- Advertisements --
image 297

Kinumpirma na ngayon ng pulisya na patay na ang hinihinalang gunman sa naganap na mass shooting na ikinasawi ng 10 katao sa Monterey Park, California.

Sinabi ng pulisya na binaril at pinatay niya ang kanyang sarili sa loob ng puting van na pinalibutan ng mga pulis ng Torrance ilang oras ang nakalipas matapos ang insidente.

Maraming tagapagpatupad ng batas ang nagsabi na ang lalaki ay namatay dahil sa isang tama ng baril sa sarili at hindi bababa sa dalawang butas ng bala ang nakita sa bintana ng driver’s-side sa mga sandali bago sila lumapit sa sasakyan.

Lumapit dito ang sampung armadong opisyal at binasag ang bintana sa gilid ng pasahero para makapasok nasabing sasakyan.

Una na rito, sampu ang naitalang nasawi at sampung katao din ang sugatan sa nasabing insidente.