Nanindigan si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na hindi “fall guy” ang nadakip na suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan.
Ayon kay Albayalde, personal daw itong nakipag-usap sa mga abugado ng 42-anyos na suspek na si Renato Payuman Llenes.
Paliwanag ng heneral, sinabi raw sa kanya ng mga legal counsel ni Llenes na consistent umano ang mga pahayag ng suspek.
Ibinunyag din ni Albayalde na bukod sa neuro-psychiatric test, handa raw sumailalim si Llenes sa lie detector test upang patunayang tama ang kanyang mga pahayag.
Una nang sinabi ni Llenes kay Albayalde na natutunan daw ng suspek ang pagbalat sa mukha ng biktima dahil sa kumalat na “Momo challenge†at sa mga video na napapanood nito sa YouTube.
“I personally talked to the lawyers and they say the suspect is consistent in his statements,” wika ni Albayalde. “Lahat ng statement nya, pati ‘yung sinabi ka chat nya ang victim, and he made use of a fake FB account.”