CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan ng kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2022 (Republic Act 9165) ang cultivators na umano’y nasa likod ng tatlong ektarya na lupain na puno ng mga tanim na marijuana sa Barangay Ragayan, Maguing, Lanao del Sur.
Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Christopher Panapan na kabilang sa humarap ng kaso ay sina alyas Marikano Abinal at alyas Lumalala na itinuro na umano’y nasa likod ng marijuana plantations na nagkahalaga ng halos siyam na milyong piso.
Inihayag ni Panapan na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PDEA-Lanao del Sur sa ibang mga ahensiya ng gobyerno para matunton ang lokasyon ng dalawang mga suspek at maging ang iba pa nitong kasamahan.
Magugunitang nagsanib puwersa ang PDEA-BARMM,militar at pulisya pagpunta sa lugar dahilan na nasira lahat ang mahigit 10,000 na fully grown marijuana plants at seedlings nang agad sinunog ang mga ito.
Natunton ng tropa ng gobyerno ang nabanggit na mga kontrabando dahil na rin sa pagsumbong ng mga residenteng Maranao Muslims sa lugar noong nakarang linggo.