CAGAYAN DE ORO CITY – Kinaharap ng apat na suspected cyber sex den operators na kinabilangan ng isang ina at LGBTQ + member ang patung-patong na kasong kriminal sa piskalya ng Iligan City.
Kasunod ito nang pagkaligtas ng anim na menor de edad na kinabilangan ng limang magkakapatid na ginamit ng sariling ina at LGBTQ+ member upang pagka-parehan sa pamamagitan ng mga kuha na mga larawan at videos kapalit ng malaking halaga ng pera.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na kabilang sa mga isinampang kaso kontra sa mga suspek ay ang paglabag ng human trafficking in person at violation ng online sexual abuse and exploitation of children dahil sa pinasok na atraso.
Sinabi ni Navarro na patuloy na tinutugis pa ng kanilang mga kasamahan ang dalawang iba pa na nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.
Nagsilbing non-bailable offenses ang kinaharap ng mga suspek habang naka-kustodiya muna sa tanggapan ng Department of Social and Welfare Department (DSWD) Region 10 ang rescued minors.