-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinapatugis pa rin ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Derilo ang ilan sa mga nakatakas na umano’y miyembro ng kidnap for ransom group na mayroong koneksyon sa napabagsak na teroristang Maute-ISIS kahit nag-resulta ito nang pagkasawi ng tatlong kasamahan kabilang ang top 2 provincial most wanted person sa Lanao del Sur.

Ito ay upang sila ang mananagot sa nadamay na 13 anyos na batang lalaki na kalaunan ay nasawi dahil naiipit sa crossfire nang magkapalitan ng mga putok sa loob ng kalahating oras sa hideout ng mga suspek sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Derilo na bagamat napatay ng kanilang tropa dahil ayaw magpahuli si Kadafy Ayonan na mayroong kasong kidnapping at murder at maging si Garcia Muloc Ariraya subalit gusto nito mahuli ang nakatakas na sina Ibra Maute Dimakuta,Amirodin Dimakuta at dalawang hindi pa kilala para managot sa nangyari sa hindi pinangalanan na menor de edad.

Inihayag ng opisyal na isinilbi lamang sana ng PNP Anti-Kidnapping Group;Special Action Force at Regional Mobile Force Batallion ang warrant of arrest laban sa grupo subalit mga bala ang sumalubong sa kanila mula sa hideout dahilan na tumagal ng kalahating oras ang engkuwentro.

Patay agad sa engkuwentro si Ariraya habang dead on arrival naman sa ospital si Ayonan.

Nabawi ng pulisya sa loob ng hideout ang M-14 rifle; klase-klaseng magazines maging mga bala sangkap paggawa ng improvised explosive devices,mga cartridge ng fired caliber 45 at caliber 30 rifle.