-- Advertisements --
E GAMES LA UNION 2
E-games casino and resort in La Union

LA UNION – Hinikayat ngayon ng Special Investigation Task Group Gallardo ang kooperasyon ng mamamayan na tumulong sa paglutas kaugnay ng pagpatay ni Association of Barangay Captains (ABC) president at punong barangay ng Pagdalagan Sur na si Noel “Wowie” Gallardo.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lt. Col. Silverio Ordinado, sa isinagawang press conference sa La Union Police Provincial Office (LUPPO) sinabi nito na ang nakitang identification card na nakapangalan sa suspek ay hindi nito pag-aari.

Iba aniya ang pangalan nito sa larawang nakalagay sa kanyang ID.

Kung maalala, binaril ng suspek na si Jeffrey Escobal ng Aurora, Isabela, si Gallardo habang ito ay naglalaro umano ng slot machine sa loob ng e-games casino ng isang resort sa bayan ng Bauang, La Union kamakailan.