-- Advertisements --
image 200

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na kinasuhan na ang suspect na kumitil sa buhay ng isang Pinay Overseas Filipino Worker sa bansang Jordan.

Ang paghahain ng kaso ay ginawa sa prosecutor sa nasabing bansa.

Kung maaalala, nadiskubre ang katawan ng biktima na si Mary Grace Santos sa loob ng basement closet ng kanyang employer.

Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-charge Hans Leo Cacdac , naipaabot na nila ang magandang balita sa pamilya ng biktima.

Ang biktima ay 34 anyos mula sa Pampanga na pinaghihinalaan rin na ginahasa at pinaslang ng mas nakababatang Egyptian suspect.

Naiulat na nawawala ang biktima noong Oct. 11 ng kasalukuyang taon.

Si Sanatos ay nagtatrabaho bilang caregiver sa loob ng walong taon upang suportahan ang kanyang dalawang anak sa Pilipinas na ang isa rito ay may congenital heart disease.