-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Mismong ang suspek ay inamin na maging siya ay nagimbal sa kaniyang nagawang karumal-dumal na krimen sa kaniyang kainuman sa bahagi ng Culaba, Biliran.

Nang mahimasmasan ang suspek na kinilalang si Roger Paje, 48, at tiyo ng biktima, labis daw ang pag-aakala nito na nananaginip lamang ito na nagpuputol ng punongkahoy gamit ang chainsaw.

Ayon pa kay Paje, wala rin daw itong naalala sa mga pangyayari.

Napag-alaman na unang nagkayayaan lamang na magkainuman ang naturang suspek kasama ang biktima na si Eduardo Roquitos, 30, sa bahay ng suspek.

Matapos naman na malasing ay kumuha ng chainsaw si Paje at saka pinutol at pinagpira-piraso ang bahagi ng katawan ng biktima.

Kasong murder ang kinakaharap ngayon ng naturang suspek.