-- Advertisements --

Tinanggihan ng korte na makapagpiyansa ang suspek na nagtangkang barilin si dating US President Donald Trump.

Sa ginawang paghain ng bagong dokumeno ng federal prosecutors na napatunayan nila na mayroon talagang masamang balak ang suspek na si Ryan Wesley Routh.

Ipinag-utos na rin ng federal magistrate judge na mananatili sa kulungan si Routh.

Nakakuha rin ang mga prosecutor ng sulat ni Routh na nagsasabing bigo itong mabaril si Trump.

Magbibigay din aniya ito ng $150,000 para makumpleto umano ang trabaho.

Ang 58-anyos na si Routh ay kinasuhan na ng dalawang firearm offenses noong nakaaraang linggo matapos ang tangkang pagtakas nito sa Trump International Golf Course.