-- Advertisements --
Napatay ng mga kapulisan matapos umanong mang-agaw ng baril ang suspek na pumatay sa apat na taong gulan na batang lalaking pamangkin nito sa Tondo, Maynila.
Sinabi ni Major Norbert Holman ng Moriones, Tondo Police Station, tinangka ng suspek na umano’y agawin ang baril ng isang pulis ng ito ay dalhin sa presinto.
Itinakbo pa sa pagamutan ang lalaki subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Ang suspek ang siyang pumatay matapos na pagsasaksakin ang pamangkin nito na kaniyang hinostage sa Parola Compound, Tondo nitong nakalipas na Lunes ng hapon.