CENTRAL MINDANAO- Alitan umano sa trabaho ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang supervisor sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Jun Balboa, may asawa, supervisor ng motorpool ng lamsan trading sa Brgy Simuay Sultan Kudarat Maguindanao at residente ng Brgy Baguer Pigcawayan North Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo sa kanyang trabaho ngunit pagsapit nito sa hangganan ng Brgy Alamada at Brgy Pigcalagan Sultan Kudarat Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Sultan Kudarat.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang likod at ulo.
Ilan sa mga kamag-anak ang nagsabi nab ago pinatay ang biktima ay may natatanggap na umano itong pagbabanta sa kanyang buhay na posibling may kinalaman sa kanyang trabaho.
Sa ngayon ay may mga person of interest nan a iniimbestigahan ang pulisya sa pamamaslang sa biktima.