-- Advertisements --

Personal na motibo ang sinusundan ngayon ng mga kapulisan sa pagpatay sa rapper na si Nipsey Hussle.

Ito ay matapos na maaresto na nila ang suspek na responsable sa krimen.

Ang suspek na si Eric Holder ay nakita sa lugar na tumatakbo sa lugar ilang minuto matapos na mabaril ang rapper na si Ermias Davidson Asghedom sa tunay na buhay.

LAPD Twitter

Sinabi ni Los Angeles Police Department chief Michel Moore na nagkaroong ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima.

Matapos na tumakas ay bumalik si Moore sa lugar at walang habas na namaril.

Magugunitang nagkaroon pa ng stampede sa burol ng rapper isang gabi ng ito ay mabaril matapos na na makarinig sila ng pagsabog na nagdulot ng pagkakasugat ng 19 na katao.