-- Advertisements --
Napatay ng mga military police ang isang lalaki na nang-hostage ng ilang pasahero ng bus sa Rio de Janeiro, Brazil.
Matapos na matamaan ng sniper ang suspek ay agad na pinalabas ang mga hostages.
Umabot sa mahigit tatlong oras kung saan pinalibutan ng mga kapulisan ang bus sa insidente na nangyari sa tulay na nagdurugtong sa Rio at Niteroi.
Sinabi ni Col. Mauro Fliess ang tagapagsalita ng military police, na matapos makita sa pintuan ng bus ang suspek ay agad nila itong pinaputukan.
Lumabas din sa imbestigasyon na isang laruang baril lamang pala ang dala ng suspek.