(Update) TACLOBAN CITY – Nahaharap na sa kasong murder ang suspek na humalay at pumatay sa isang menor de edad sa liblib na lugar sa Barangay Casiongan, Calubian, Leyte.
Ito’y matapos boluntaryong sumuko ang suspek na nagngangalang Jaime Edrina, ilang araw matapos ang krimen.
Una rito, wala ng buhay nang matagpuan ang 10-anyos na biktimang Grade 4 student.
Ang suspek ay 32-anyos na magsasaka at nakatira rin sa naturang lugar.
Ayon kay P/Cpl. Chuck Navarrete, ng Calubian Municipal Police Station, bago ang insidente ay pinuntahan ng biktima ang misis ng suspek upang magpaturo sa kaniyang module.
Nagkataon naman na wala roon ang misis ng suspek dahil dumalo sa isang meeting.
Dito na nagkaroon ng pagkakataon na halayin ni Edrina ang dalagita sa loob ng kanilang bahay.
Matapos nito ay dinala ng suspek ang biktima sa masukal na lugar at doon pinatay gamit ang bolo.
Kaagad din nitong nilibing ang bangkay ng biktima.