CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto at agad na ring sinampahan sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 ang high value target na nasa listahan ni Presidente Rodrigo Duterte na nasangkot pagpupuslit ng malakihang suplay ng suspected shabu sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ito ay matapos unang ikinasa ang pinag-isang operations ng PNP at ibang special unit nila kasama ang Philippine Drugs Enforcement Group (PDEG) upang maaresto ang suspek na si Lester Carreon,45 anyos,may asawa na residente sa Sitio Malipayon,Barangay Topland,Koronadal City,South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Bukidnon Provincial Police Office spokesperson Maj Jiselle Longgakit na naaresto rin sa nabanggit na operasyon ang kasama ng suspek na si John Paul Carreon,18 anyos,mag-aaral pa lamang at nakatira naman sa West Kili-kili,Wa-o,Lanao del Sur.
Sinabi ni Longgakit na sa kasagsagan ng operasyon ay nakompiska ng operating troops ang sari-saring laki ng sachets nay mayroong pinaghinalaan na shabu na mayroong bigat na tinatayang 238 gramo at may estimated market value na P1.6 milyon.
Kinaharap rin ng mga suspek ang sa piskalya ang kasong pagkaroon ng hindi lisensiyado na kalibre 38 na baril na mayroong mga bala.
Nakompiska rin ang ginamit na Toyota Sedan ng mga suspek na naka-rehistro naman kay Rohanni Sumagayan na nagmula pa sa Iligan City,Lanao del Norte.