-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinaghahanap na ngayon ang suspek sa pagpatay sa reporter na si Orlando “Dondon” Dinoy noong nakaraang buwan matapos na tinanggap na ng korte sa Bansalan, Davao del Sur ang kasong isinampa ng Special Investigation Task Group o SITG-Orlando “Dondon” Dinoy.

Nakilala ang suspek na si Brandie Mercado Campaner, na itinuturong gunman na pumunta sa apartment ni Dinoy at binaril ng anim na beses ang biktima.

Una ng nakakuha ng lead ang Davao del Sur Police Provincial Office sa pagkakakilanlan ng suspek dahil na rin sa pahayag nga mga nakasaksi sa nasabing krimen.

Inilarawan nila si Campaner na Moreno, mataba, nasa 5’6” ang taas.

Nakapagpalabas na rin sila ng cartographic sketch, bagay na nakatulong sa pagkilala sa suspek.

Sa kasalukuyan ay nakatutok sa dalawang isyu ang otoridad na kinabibilangan sa offensive na social media post ng reporter at ang alegasyon na may kaugnayan sa cover-up sa mga illegal cockfight sa mga lungsod sa Matan-ao at Bansalan.