Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG).
Ayon kay Col. Villaflor Banawagan, Commander ng AKG Luzon Field Unit, naganap ang engkwentro kaninang alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy Naugsol, Subic, Zambales.
Maghahanain lang sana ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa suspek na nakilalang si Edison Villaran dahil sa kasong murder nang paputukan nito ang mga operatiba.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkakasawi.
Ayon kay Banawagan, si Villaran ang nasa likod ng pagpugot ng ulo ng isang lalaki sa Cardona, Rizal noong August 2019.
Una nang naaresto ang kapatid ng suspek na co-accused din sa kaso nitong October 3 sa Pasig.
Inihayag ni Bannawagan, miyembro ang suspek sa grupo ng dating pulis na si Patrolman Maray na sangkot sa robbery at kidnapping for ransom na naka engkwentro na rin ng mga pulis sa Rizal nitong July.
Nakuha sa crime scene ang isang kalibre 45 na baril.
Iniimbestigahan na ng PNP SOCO ang crime scene.