GENERAL SANTOS CITY – GENERAL SANTOS CITY – Patuloy pang inaalam ng pulisya kung ano ang sanhi ng biglaang pagkamatay ng isang rape slay suspek habang ito ay nakakustodiya ng pulisya.
Una nang pinaniniwalaang namatay sa bangongot ang suspek sa pangagahasa at pagpatay sa limang taong gulang na batang babae.
Ayon kay P/Capt. Adolf Juliene Dave Diaz, hepe ng Makar Police station na natagpuan na wala nang buhay si Edmar Muyco Senador 50 anyos na tinuturong suspek sa pagkamatay ng minor de edad.
Dagdag ni Diaz habang iniispeksyon sa ng jail guard ang kanilang mga preso, nakita umano nitong hindi na gumagalaw at hindi na humihinga ang nasabing suspek habang nasa loob ng selda kaninang umaga.
Kaagad dinala sa pagamutan ang nasabing suspek subalit dineklara na itong wala ng buhay.
Kaninang umaga binulaga ang publiko ng malaman na patay na ang suspek sa pangagahasa at pagpatay sa limang taong gulang na batang babae.
Dahil dito, hindi man naging maganda ang nangyari sa suspek, pero ito ay ikinagalak na din ng pamilya ng biktima, dahil sa tingin nila ay nabigyan na ng hustisya ang pagpatay nito sa bata.
Matapos mahuli inamin ang ginawang paghalay at pagpatay habang lumabas na nahaharap 12 kasong rape with homicide at dalawa sa biktima nito ang dalawang anak.