-- Advertisements --
image 205

Patay din ang suspek sa panibagong insidente ng pamamaril na nangyari sa Michigan State University na ikinasawi ng nasa tatlong katao habang 5 naman ang sugatan na nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa awtoridad, namatay ang 43 anyos na suspek mula sa self-inflicted gunshot wound at nabatid na wala itong affiliation sa naturang unibersidad.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa motibo ng suspek sa pamamaril.

Ayon kay Interim Deputy Chief Chris Rozman, sa ngayon wala ng nakikitang banta pa sa pinangyarihan ng krimen dahil iisa lamang ang pinaniniwalaang gunman sa naturang insidente.

Samantala, kinansela na lahat ng aktibidad ng campus ng dalawang araw matapos ang insidente ng pamamaril,.