Inihahanda na ng mga kapulisan sa Antipolo ang kaso laban sa 28-anyos na suspek na namaril sa tatlong katao dahil sa away trapiko.
Magugnitang pinagtulungan ng dalawang rider ang suspek matapos na makagitgitan sa kalsada ng Sitio Calumpang, Barangay San Jose sa lungsod ng Antipolo.
Pinagbabaril ng suspek ang mga biktima kung saan natamaan ang 52-anyos sa ulo, habang ang 22-anyos na estudyante ay natamaan sa kanang braso habang ang 29-anyos na isang bikitma ay sa kanang tiyan.
Nagawang tumakas pa ang suspek lulan ang SUV subalit ito ay naharang ng mga rumespondeng police.
Nakuha sa kaniya ang 9mm na baril na mayroong magazin na naglalaman ng 15 bala at walong fire cartridge ng nasabing baril.
Hinikayat ni Rizal police provincial director P/Col. Felipe Maraggun ang mga nakasaksi na lumabas at ilahad ang kanilang nalalaman.