Inilabas na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na umatake sa Capitol Hill na ikinasawi ng isang pulis.
Kinilala ito na si Noah Green, 25-anyos.
Wala rin aniyang criminal record sa mga kapulisan ang nasabing suspek.
Magugunitang sinagasaan ng suspek ang dalawang pulis na nagbabantay sa Capitol Hills na ikinasawi ng Capitol Police veteran na si William “Billy” Evans.
Pagkatapos nito ay lumabas sa kanyang kotse si Evans at inatake ang mga pulis gamit ang kutsilyo.
Sa huli, binaril ng mga pulis ang suspek hanggang sa mapatay.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay at kalungkutan ang mga opisyal ng US sa pamumuno ni US President Joe Biden at House Speaker Nancy Pelosi sa nangyaring insidente.
Iniutos din ni Pelosi ang paglalagay sa watawat bilang pakikidalamhati sa pagkamatay ng police officer na tinawag pa niyang “martyr” na kabilang sa nagdepensa sa demokrasya ng Amerika.
Kung maalala bago pa man ang pag-atake ay bantay sarado na ang paligid ng Kongreso ng Amerika dahil sa pag-atake noong Enero 6 ng mga supporters ni dating Pangulong Donald Trump.