-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga otoridad ang isang suspek sa karumal dumal na masaker sa Sitio Masalay Barangay Salman Ampatuan Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Andami Singkala alyas Yamani Baga Dimaukom.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Donald Madamba na naaresto nila si Singkala katuwang ang PNP-CIDG at militar.

Pinapurihan naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, PTFoMS co-chair, ang pagkahuli ng PNP kay Dimaukom.

Ayon kay Andanar na determinado ang pamahalaan na mahuli ang iba pang suspect sa massare upang mapanagot sa kanilang kasalanan.

Sinabi rin ni PTFoMS executive director Undersecretary Joel Sy Egco, hindi titigil ang task force sa kampanya nitong mabigyang hustisya ang mga nabiktima ng Maguindanao massacre.

May 28 katao na ang nahatulan ng 40 taon na pagkakulong, kabilang sina Andal Ampatuan jr, Zaldy Ampatuan at iba pa, pati mga pulis habang ang iba ay 15 taong pagkakabilanggo lang.

Matatandaan na 58 ka tao ang brutal na pinatay sa Maguindanao kabilang na ang 32 mga mamamahayag.