Patay na nang matagpuan ng mga otoridad ang suspek sa mass shooting na naganap sa Lewiston, Maine sa Portland.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, nakitang wala nang buhay ang suspek na kinilalang si Robert Card, 40 taong gulang, sa isang kakahuyan malapit sa Lisbon at lumalabas na tila nagbaril sa sarili ang suspek.
Ayon sa mga otoridad, si Card ay isang Army Reserve sargeant na isa ring trained firearms instructor na nagsisilbing petroleum supply specialist noong siya ay nakaduty pa sa military reserve base in Saco, Maine.
Bukod dito ay napag-alaman din ng mga kinauukulan na mayroong history ng mental illness ang suspek at inilagay sa isang psychiatric facility sa loob ng dalawang linggo nitong summer season ngayong taon.
Nabatid na aabot sa 18 katao ang nasawi habang 13 naman ang sugatan sa ginawang pamamaril ng suspek sa nasabing Lewiston, Maine.