Nasawi matapos na maaresto ang suspek sa mass stabbing sa Canada na nag-iwan ng 10 death toll at 18 pang sugatan.
Nasa tatlong biktima pa ang nananatili sa ospital at 3 pa ang nasa kritikal na kondisyon.
Itinigil na ang manhunt operation matapos na madakip ang suspek na si Myles Sanderson na dinala sa kustodiya ng kapulisan sa town ng Rosthern, Saskatchewan.
Ayon sa ilang law enforcement sources, sumuko si Sanderson sa pulisya at dinala ng buhay subalit matapos ang highway pursuit kung saan nabangga ng police ang kaniyang minamanehong sasakyan nasawi ito. Subalit ang injuries na natamo umano ni Anderson ay self-inflicted.
Una ng kinasuhan si Sanderson ng first-degree murder, attempted murder, breaking at entering na nasentensiyahan na rin noon ng apat na taong pagkakakulong dahil sa iba’tibang violent crimes subalit maaga itong napalaya.
Ang pangunahing suspek na kapatid niyo na si Damien Sanderson ay inakusahan na kasabwat sa pag-atake sa mga remote areas.
Noong Lunes nang matagpuan ng police ang kaniyang bangkay na iniimbestigan na kung siya ay pinaslang ng kaniyang kapatid sa kasagsagan ng manhunt operation.
Sa ngayon, hindi pa isinisiwalat ng awtoridad ang motibo sa karumal-dumal na krimen.