-- Advertisements --

Muling humarap sa korte ang suspek sa malagim na pamamaril na naganap sa Christchurch, New Zealand.

Si Brenton Tarrant, 28-anyos, ay naghain ng not guilty plea laban sa kinakaharap na 40 bilang ng attempted murder at terrorism matapos nitong mapatay ang 51 katao noong March 15. 

Ito ang kauna-unahang terrorism charge sa New Zealand. 

Dumalo rin sa nasabing paglilitis ang ilan sa mga nakaligtas kasama ang kani-kanilang pamilya. 

Ayon kay High Court Justice Cameron Mander, nakatakda ang susunod na paglilitis sa suspek sa susunod na taon at mananatili itong nasa ilalim ng kustodiya ng mga otoridad hanggang maisagawa ang susunod na case review hearing sa August 16.

Sa huli nitong pagharap sa hukom, ipinag-utos ng korte na isailalim si Tarrant sa mental health assessment upang malaman kung amy kapasidad ito na maging witness para sa kaniyang sarili. 

Halos dalawang buwan na ang nakakaraan ng arestuhin si Tarrant dahil sa pagkakasangkot nito sa naganap na pamamaril sa dalawang mosque sa New Zealand.