KORONADAL CITY- Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na pinaniniwalaang swindler matapos ang isinagawang entrapment operation ng PNP sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay Police Major Nathaniel Panaguiton, hepe ng Lake Sebu PNP kinilala ang suspek na si Josephine Villarosa.
Ipinahayag ni Panaguiton na inlunsad ng kanilang hanay entrapment operation laban kay Villarosa matapos isumbong ng umanoy biktima nito na niloko sya ng suspek matapos na makapagbayad ng P100,000.
Modus umano ng suspek na mang-engganyo sa mgaa biktima ng magbayad ng malaking pera kapalit ng pagkuha ng Masteral Degree sa University of Southeast Philippines sa Davao City.
Subalit, lumalabas sa imbestigasyon ng ma otoridad na hindi konektado sa nasabing unibersidad si Villarosa at peke umano ang pakikipagtransakyon nito.
Narekober naman sa suspek ang P6,000 sa ikinasang entrapment operation.
Sa ngayon, nahaharap na sa kasong swindling at estafa ang nasabing suspek.