-- Advertisements --
US Naval base Pensacola Florida
US Naval base Pensacola Florida

Ibinunyag ng FBI na ang napatay nilang Saudi Air Force officer na nag-amok sa US Naval base sa Florida noong Disyembre 2019 ay nagtatrabaho sa Al Qaeda na nakabase sa Arabian Peninsula at may planong pag-atake.

Ayon sa FBI at Department of Justice nakuha nila ang nasabing impormasyon sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa telepon ng suspek na si Mohammed Alshamrani.

Sinasabing ang suspek ay may direktang pakikipag-ugnayan kay Qasim al-Raymi ang lider ng al-Qaeda na nakabase sa Yemen.

Magugunitang sa nasabing pag-amok ng suspek sa Pensacola, Florida ay napatay ang tatlong marino.