-- Advertisements --
image 245

Sumuko ang suspek sa pagbaril patay ng isang 19-anyos na tindero ng bigas sa Tabunok Public Market, sa lungsod ng Talisay, probinsiya ng Cebu.

Kinilala ang suspek na si Jonar Villagonzalo, 22-anyos, at residente ng lungsod ng Ronda, probinsiya ng Cebu, habang ang biktima ay kinilalang si Alvin Cuer Cinco, 19-anyos at residente ng Barangay Bakyawan, Tuburan, Cebu.

Inihayag ni PRO 7 Regional Director, Police Brigadier General Roderick Alba, na ito’y resulta sa pagtutulongan ng kapulisan at komunidad kaya napasuko ang nasabing suspek sa Talisay City Police Station.

Nang dahil sa tip ng mismong ama na handang sumuko ang kanyang anak kaya dali itong natunton ng pulisya sa Barangay Tungkil, bayan ng Minglanilla, Cebu.

Nabatid na hindi matanggap ng suspek na hiniwalayan ito ng kanyang nobya dahil na rin sa biktima kaya nakuha nitong gawin ang krimen.

Oktubre 18 nang binaril sa dibdib at napatay ng suspek ang biktima sa harap mismo ng tindahan kung saan ito nagta-trabaho.