DIPOLIG CITY – Tukoy na umano ng mga otoridad ang pagkakalilanlan ng mga suspek na responsable sa pagdukot sa isang 64-0anyos na Filipino-American (FilAm) sa bayan ng Sirawai, Zamboanga del Norte.
Ito mismo ang kinumpirma ni Police Col. Ronald Briones Zamboanga del Norte Police Provincial Director sa panayam ng Star FM Dipolog.
Dagdag pa nito, hinahayaan muna nilang ang Sirawai local government unit (LGU) ang makipagnegosasyon sa hanay ng mga suspek.
Inamin naman ng opisyal na sa ngayon ay nakakordon na ang buong Sirawai matapos makumpirmang hindi pa nakakalabas at nanatiling nagtatago sa bulunduking bahagi ng lugar ang mga kidnappers.
Ayon pa sa opisyal, posible umanong paghihiganti sa hanay ng pulisya ang motibo ng mga suspek matapos ang nangyaring pag-aresto sa mga kasamahan nito sa para kasong illegal possession of firearms.
Kung maalala, dinukot umano ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage uniforms ang biktimang si Rex Triplet habang pauwi sa kanilang bahay lulan sa isang motorsiklo.