Kinilala na ng mga otoridad ang suspek sa likod ng pagka-sunog ng isang kilalang animation studio sa Tokyo, Japan na naging sanhi nang pagkamatay ng 33 katao.
Si Shinji Aoba, 41-anyos, ay una nang nakulog dahil sa salang pagnanakaw sa isang convenience store noong 2012. Matapos nitong makalaya ay tumira ito sa pasilidad kung saan naninirahan ang mga kapwa niya ex-convict.
Ayon sa imbestigasyon, nagawa umano ng suspek ito sa paniniwalang ninakaw daw ng naturang animation studio ang kaniyang mga inilathalang nobela.
Di-umano’y binuhusan ng suspek ng gas ang entrance ng gusali bago ito silaban ng apoy habang isinisigaw ang salitang “die”.
Hindi naman itinanggi ni Aoba ang ginawang krimen at tila masaya pa raw ito sa nangyari.
Mayroong 160 empleyado ang kumpanya kung saan karamihan sa mga ito ay may edad na 33.