Muling inaresto ng mga otoridad sa Nantes, France ang church volunteer na sinasabing nasa likod ng pagkasunog ng Saint-Pierre-et-Saint-Paul cathedral .
Ayon sa prosecutor, na inamin ng Rwandan refugee na nagtatrabaho bilang warden sa cathedral ang nasabing pangyayari noong Hulyo 18.
Nauna ng inaresto ang 39-anyos na volunteer isang araw matapos ang nangyaring sunog subalit ito ay pinakawalan din.
Kinasuhan ito dahil sa pagsasara ng nasabing simbahan bago ito pinakawalan ng walang isinampang kaso.
Malaki ang paniniwala ni Prosecutor Pierre Sennès na sinadya ang nasabing pagkakasunog ng 17th century na simabahan.
Magugunitang mabilis na naapula ang sunog sa tulong na rin ng mga 100 na bumbero.
Ang nasabing sunog ay naganap isang taon matapos na tupukin ng apoy ang sikat na Notre-Dame Cathedral sa Paris.