-- Advertisements --

Sumuko na sa kapulisan ang isang lalaki na pumatay sa pamamagitan ng pagmartilyo sa ulo ng asawa nito sa Maynila.

Mismo ang kapatid ng suspek na si Eric Capulong ang nagpasuko rito matapos na magtago ito sa Bacoor, Cavite.

Dinala kaagad ito sa Manila City Hall at kinausap sila ni Mayor Isko Moreno.

Ang 46-anyos na suspek ay siyang nasa likod nang pagmartilyo sa live-in partner na si Concepcion Beldad, 39, isang empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Inamin ng suspek na selos ang sanhi kaya napatay nito ang biktima.