-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng kapulisan ukol sa pagkakakilanlan ng suspek na nagnakaw ng mahigit P200, 000 na halaga ng iba’t-ibang mga bagay at pera sa tatalong tahanan sa isang subdivision sa Camp 7, Baguio City.

Una nang nanakawan ang biktima na si Christopher Anudon matapos sinira ng mga suspek ang window grills ng talahan nito at kinuha ng mga suspek ang isang alkanya na naglalaman ng P8, 000.

Sunod namang nanakawan si Geen Ponio na kung saan sinira ng mga suspek ang steel gate at sliding door a t nakuha ang mga alahas at dalawang flat screen TV na nagkakahalaga ng P90,000 at cash na mahigit P100,000.

Ikatlong nanakawan ang pamilya Cartas na kung saan nakuha ang dalawang tangke ng LPG.