-- Advertisements --

Naaresto na ng mga tauhan ng PNP Anti Cyber Crime Group (ACG) ang suspek sa pagpapakalat ng scandal photos ni Kiefer Ravena ang dating UAAP most valuable player.

Ayon kay Supt Jay Guillermo ang tagapagsalita ng PNP ACG, naaresto ang suspek na kinilalang si Kristoffer Monico 22 anyos, checking officer ng Metrobank at residente ng nos 36 Bartville Road Dela Paz Pasig City.

Naaresto si Monico sa isinagawang entrapment operation sa bahagi ng Eastwood central park Quezon city.

Sa isinagawang entrapment operation nakuha kay Monico ang dalawang pirasong 1000 peso bill marked money, dalawang unit ng cellphone, isang mamahaling relo, ibat ibang identification cards, credit cards at cash na 6,734 pesos.

Unang inireklamo ni Ravena si Monico sa PNP ACG matapos na magbanta itong ipapakalat ang mga malalaswang larawan kapag hindi nagbigay ng 50,000 pesos.

Nagpanggap umanong babae itong si Monico at nakikipagchat kay Ravena

Una nang nagbigay ng P25,000 si Ravena kay Monico para lamang hindi ipakalat ang mga malalaswang larawan ngunit sa kalaunay kumalat din sa social media ang mga pictures.

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa kasong robbery/extortion at paglabag sa kasong cybercrime prevention act of 2012.

Kasalukuyang nasa PNP ACG headquarters si Monico para sa investigation and documentation.