-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kuhang-kuha at sapul sa closed-circuit television (CCTV) ang dalawang motoristang nagtapon ng granada sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga sugatan na sina Pangatong Abdulraud Mustapha, 29 anyos at si Reformido Regulacion, 64.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP na dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa harap ng Bogarts Motorshop sa Fedel Flores Street Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay tinamaan ang mga biktima na agad dinala sa Cruzado Medical Hospital.

Sa ngayon ay tulong-tulong ang pulisya at militar sa malalimang imbestigasyon para matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek na nahagip ng CCTV.