-- Advertisements --

CENTRAL Mindanao – Nalambat ng mga otoridad ang isa sa mga sangkot sa pamamaril-patay sa Italyanong pari sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Ricardo Boryo Dorado alyas Nene Dorado, 65, may asawa at dating barangay chairman ng Barangay Dallag, Arakan, Cotabato.

Ayon kay Arakan chief of police Captain Edgar Allan Espadera na naglunsad sila ng manhunt Charlie Operation katuwang ang PNP Regional Intelligence Division (RID-12 Tracker) sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Jojet Nicolas laban sa suspek.

Inaresto si Dorado base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng RTC-12 sa kasong murder.

Itinuro ng mga testigo ang suspek na sangkot sa pamamaril patay sa Italian priest na si Fr. Faustino “Pops” Tentorio.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Arakan PNP sa Arakan, Cotabato.