-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na pinaniniwalaang gumahasa at pumatay sa isang menor de edad sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni P/Maj. Juliusd Malcontento, hepe ng Bagumbayan PNP.

Ayon kay Malcontento, inaresto na ang suspek na gumahasa at pumatay sa siyam na taong gulang na batang babae sa nasabing bayan.

Isa umanong testigo ang dumulog sa PNP dahilan upang agad na nagsagawa ng operasyon ang PNP na nagresulta sa pagkahuli ng suspek.

Tumanggi namang si Malconteno na pangalanan ang suspek at ang biktima dahil sa nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang PNP sa mga residente sa lugar upang mahuli ang suspek.

Sa ngayon, nakatakda nang sampahan ng kasong rape with homicide ang suspek.