-- Advertisements --

Sinentensyahan ngayong araw ng dagdag tatlong taon at apat na buwan ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Kim Jong Nam, kapatid ni North Korean Leader Kim Jong Un.

Una na rito ay naghain ng guilty plead si Doan Thai Huong, 30-anyos, upang mapababa ang taon ng kanyang pagkakakulong.

Ayon kay Judge Azmi Ariffin, layunin nitong ipakita ang balanse sa pagitan ng ikabubuti ng publiko at ng akusado.

Dagdag pa nito na maswerte umano si Huong dahil kahit papaano ay napababa ang hatol sa kanya at makakabalik na ito sa kanyang bansa.

Tila naiyak pa raw si Huong habang binabasa ang hatol dito at iginiit nitong inosente siya pagpatay kay Nam.

Una ng pinalaya ang isa pa sa di-umano’y suspek sa pagpatay na si Siti Aisyah at ngayon ay masaya nang kasama ang kanyang pamilya.