-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay matapos umanong manlaban ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay sa 12-anyos na dalagita sa Nabua, Camarines Sur.

Una rito, naiulat na nawawala ang menor de edad noong nakaraang linggo ngunit isang naagnas na bangkay na nang matagpuan ng mga otoridad kahapon sa madamong bahagi sa tabi ng kalsada sa Zone 6, Barangay Bustrac sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, tahimik sanang sumuko ang suspek ngunit bigla raw itong nang-agaw ng baril at sinubukang paputukan ang mga otoridad dahilan para gumati rin ng putok ang mga kapulisan.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang suspek na naging dahilan naman nang agaran nitong kamatayan.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Mababatid na una nang nag-alok ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Iriga City para sa posibleng pagtunton sa iba pang sangkot sa naturang krimen.