Patay sa enkwentro ang suspek sa pamamaril sa isang dalagita na biktima ng mistaken identity sa Maynila sa ikinasang operasyon ng PNP SWAT, Linggo ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Manila Police District, nakuhanan ng CCTV ang suspek na si Jed Ayson nang barilin ang biktimang si Ronalyn Jamon sa Tondo,Maynila noong Abril 7.
Natuntuon ng mga pulis si Ayson sa Building 18 ng permanent housing sa Balut, Tondo.
Ayon kay Raxabago Police Station Commander, Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo na nagsagawa ng buybust operation ang pulis kung saan nakabili ng droga ang police poseur buyer kay Asyon, pero ng aarestuhin na sana siya ng mga otoridad bigla na lamang ito nanlaban at nagpaputok sa mga operatiba dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.
Nakuha sa bangkay ng suspek ang nasa 10 sachet ng hinihinalang shabu.
Nauna nang naaresto ng pulis ang isa pang suspek na si alyas Alfie na itinurong kausap din ni Ayson noong gabi ng pamamaril.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang tricycle driver na sinakyan ni Ayson, nuong barilin nito ang 17-anyos na dalagita.
-- Advertisements --