BUTUAN CITY – Sasampahan ng kasong murder ang suspek sa brutal na pananaga sa biktimang graduating student kahapon sa alas 5:00 ng hapon sa loob mismo sa kaniyang bahay sa Purok-4, Barangay Kulambogan bayan ng Sibagat, Agusan Del Sur.
Nakilala ang biktima na si Rezalyn Salahay, 22-anyos, dalaga at nag-iisang anak sa magsasaka sa nasabing lugar habang ang suspek naman ay nakilalang si Ricky Abarquez, 34-anyos, may live-in partner na tubong Pagadian City at bagong kapitbahay ng biktima.
Ayon kay Police Capt. Joel Ablan, Hepe ng Sibagat Municipal Police Station na bago pa ang pangyayari, nag-inoman ang suspek at ama ng biktima dahil sa kaarawan ng ama nito.
Naka-alitan umano ng suspek ang biktima at nang umuwi na ang ibang mga bisita at nakatulog na rin ang ama dahil sa kalasingan kung saan laing rin ang suspek ay dito na ginawa ang pananaga gamit ang itak.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima sanhe sa agarang kamatayan nito na nasa punerarya na ngayon at isinailalim na sa post mortem examination.
Daling naaresto naman ang suspek at nasa kustudiya na nang Sibagat MUnicipal POlice Station.
Ayon pa kay Police Capt. Ablan na may kasong kinahaharap ang suspek sa Pagadian City at nakapiyansa lamang ito sa illegal possession of firearms.