-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mayroon ng person of interest ang pulisya sa natagpuang bangkay ng isang lalake sa Purok Minanga, Barangay Buayan, dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Kinilala ang biktima na si Alex Luga Lao, hamtong, isang tricycle driver at nakatira sa Purok Balunto, Barangay Labangal, Gensan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Major Ari Noel Cardos, Chief of Police ng Lagao Police Station, kanila ng sinusubaybayan ang itinuturong suspek matapos na makilala sa pamamagitan ng nakuhang CCTV footage.

Ayon sa opisyal, posibleng ang pasahero umano nito ang may kagagawan ng krimen.

Matapos inigaw ang tricycle ng biktima ay iniwan sa isang lugar didto sa lungsod.

Pinaniniwalaang sinakal ito gamit ang nylon at mayroong mga sugat sa mukha.

Umapela si Cardos sa mayroong impormasyon na makipagtulungan sa otoridad para sa ikakaresolba ng krimen.