-- Advertisements --

CEBU – Na-aresto ng pulisya sa City of Naga Police Station ang suspek sa pagpatay sa isang guro sa lungsod ng Naga sa tulong na rin ng pulisya sa Negros Occidental nitong Lunes ng alas-8:20 ng gabi, Oktubre 17 sa Philippine Ports Authority, Barangay 6, San Carlos City, Negros Occidental.

Sinabi ni Police Lt. Colonel Junnel Caadlawon, hepe ng Naga Police Station, kinilala ang suspek na si Elmar Alvarez Gemida, 24, na may live-in partner, mula sa Ilaya, Calatrava, Negros Occidental.

Nakuha kay Gemida ang isang cellular phone, wallet na naglalaman ng P10,000 at isang Yamaha Mio motorcycle, na pinaniniwalaang pawang pag-aari ni June Leo Pañares, isang guro sa Inoboran Elementary School, Brgy. Inoboran, Naga City na natagpuang patay ng kanyang kapwa guro noong Linggo ng umaga, Oktubre 16.

Matatandaan na natagpuan si Pañares sa luob ng kanyang silid aralan noong Linggo, na duguan ang katawan , wala nang buhay at saka tinakpan ng tela.

Kaya naman tumawag ng pulis ang guro at nagsumbong sa nangyari.